Ang kanser sa suso ay ang pinaka nangungunang klase ng kanser sa Pilipinas. Sa ngayon, maraming uri ng pag-gagamot ang pwedeng gamitin sa pagsugpo at paggamot sa Breast Cancer. Ngunit, mainam pa rin na mapigilan ang pag-kalat o pag laki ng kanser sa suso. An ounce of prevention is worth a pound of cure. Kaya naman para sa mga kababaihan, inaanyayahan namin kayo na magpa-breast screening at kumonsulta sa doktor. Kapag naagapan agad ang breast cancer, mas madali ayusin o gamutin ang mga suliranin ng kanser sa suso.
DR. ARTHUR JASON S. GO, FPCP, FPSMO, FPSO
Council Member, Philippine Society of Oncologists
Outreach Committee Chairman, Phil. Society of Medical Oncology