Aray ko po! Chemotherapy-Induced Peripheral Neuropathy

By Dr. Jestoni Aranilla Ano ang Chemotherapy-Induced Peripheral Neuropathy (CIPN)? Ang peripheral neuropathy ay tumutukoy sa mga sintomas na dulot ng pinsala sa peripheral nerves. Ang mga nerves na ito ay mahalaga (1) sa pandamdam, (2) sa paggalaw ng mga braso at binti, at (3) sa pagkontrol ng pantog at bituka. Ang chemotherapy at iba…

Huwag Maalarma Tuwing May Diarrhea – Kumunsulta! :)

By Dr. Herdee Gloriane C. Luna Ano ba ang diarrhea o pagtatae? Ang pagtatae ay ang pagkakaroon ng madalas, mabasa, o matubig na pagdumi. Ano ang maaaring komplikasyon ng pagtatae? Ang matinding pagtatae ay maaaring mauwi sa dehydration at electrolyte imbalances dahil sa labis na kawalan ng tubig at mahahalagang mineral sa katawan. Maaari itong…

Mababang White Blood Cell (WBC) Count

By Dr. Mel Valerie B. Cruz-Ordinario Ano ba ang White Blood Cells (WBC)? Ang white blood cells ay tumutulong sa ating katawan para lumaban sa impeksyon. Nabubuo sila sa ating bone marrow at mayroon itong iba’t-ibang uri. Isang halimbawa nito ay ang Neutrophils na siyang lumalaban sa mga nakapipinsalang bacteria at fungi na nakapapasok sa…

Susuka, Pero Hindi Susuko

By Dr. Jessa Gilda Pandy Para sa mga pasyente na sumasailalim sa chemotherapy, ang pagduduwal at tuluyang pagsusuka ay kabilang sa mga pinakamadalas na epekto na maaaring maranasan. Halos 80% ng mga pasyenteng may kanser ang nakararanas nito. Maaari itong magdulot ng dehydration at pagbagsak ng timbang kung hindi matugunan.  Ang mga sintomas na ito…

Sugat sa bibig, ‘di iniibig

by Noel Medina, MD Isa sa mga madalas na komplikasyon ng chemotherapy at radiation therapy sa ulo at leeg ay ang pamamaga o pagsusugat sa bibig, dila, ngala-ngala o lalamunan. Ang tawag dito ay “mucositis” (MYOO-ko-sai-tis). Nangyayari ito dahil nadadamay ang mga selula ng bibig sa mga epekto ng chemotherapy at radiotherapy, at dahil matagal…