Pinarangalan bilang natatanging QCitizen si Dr. Herdee Gloriane Luna sa 22nd Manuel L. Quezon Gawad Parangal. Si Dr. Luna ay isang haligi sa pagkakatatag ng proyektong ACT Now Plus, na tumutugon sa breast at cervical cancer screening sa mga komunidad.
Ang MLQ Gawad Parangal ay ibinibigay sa mga QCitizen at mga organisasyon na nagpamalas ng pagmamahal at dedikasyon sa pagseserbisyo sa kanilang kapwa residente, at nagbigay ng malaking kontribusyon bilang suporta sa hangarin ng lungsod tungo sa isang inklusibong komunidad para sa lahat.