Kasabay ng pagdaraos ng Breast Cancer Awareness Month ngayong Oktubre, nagsama-sama ang mga miyembro ng Philippine Society of Medical Oncology (PSMO), Cavite Medical Society (CMS), at Association of Municipal Health Officers of the Philippines (AMHOP) upang ilunsad ang KKK x AKAP- Kabitenyong may Kaalaman sa Kanser x Abot Kamay Ako at ang PSMO. Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng ating friendly Medical Oncologist ng Cavite, Dr. Adeline Gonzales.
Layunin ng proyekto na mapalaganap ang kamulatan sa cancer. Ang pagtalakay sa mga haka-haka, risk factors, sintomas, at screening and prevention sa Breast Cancer ang naging panimulang diskurso ng proyekto.