Sugat sa bibig, ‘di iniibig

by Noel Medina, MD Isa sa mga madalas na komplikasyon ng chemotherapy at radiation therapy sa ulo at leeg ay ang pamamaga o pagsusugat sa bibig, dila, ngala-ngala o lalamunan. Ang tawag dito ay “mucositis” (MYOO-ko-sai-tis). Nangyayari ito dahil nadadamay ang mga selula ng bibig sa mga epekto ng chemotherapy at radiotherapy, at dahil matagal…